Tuesday, December 7, 2010

PROTESTA NG KULIGLIG DRIVERS! NAGTAPOS SA GULO!



Ang mga pulis na ito ang nagpapaalis sa mga nag poprotestang kulilig dryber

Imbes na matakot sa ultimatum na ibinigay ng Manila Police District, lalo pang hinarangan ng mga nagpoprotestang drayber ng kuliglig ang kahabaan ng Lawton.

"Wala akong kinita! Anak ko nga may sakit," sabi ng isang nagprotesta.
Bitbit ang kanilang mga anak at pamilya, nagpupuyos sa galit ang damdamin ng mga drayber.
Ilang beses silang pinakiusapang umalis pero tumanggi sila.
Gusto nila, harapin sila ni Manila Mayor Alfredo Lim para iparating nila ang kanilang pagtutol sa pag-ban sa mga kuliglig at pedicab sa Maynila.
Bandang alas-2 ng hapon, naubos na ang pasensya ng Manila Police. Inumang ang hose ng tubig para simulan ang dispersal.
Tinira sila ng tear gas. Nagpulasan sa iba-ibang direksyon ang mga nagpo-protesta pero gumanti din sila ng bato at bote na inihagis sa mga pulis.
Ang mga naiwang kuliglig, sinagasaan ng trak ng mga pulis.
Pero 'di umubra ang mga nag-protesta. Ang mga naabutan ng pulis, bugbog-sarado.
Ang isang lalaki, kitang-kita ng mga anak habang pinagpapalo sa ulo.
Kinaladkad naman ang isa pang lalaki na umano'y isa sa nakitang nambato ng bote.
Marami ang duguan. Ilan sa mga nagprotesta, inaresto habang nagmamakaawa naman ang kanilang mga kaanak.
Pero wala silang magawa.
Sa pananaw ng pulis-Maynila ay walang nangyaring overkill sa kanilang dispersal dahil maging ang mga pulis ay nasaktan din sa pangyayaring ito.
Kanina naman, ang mga kuliglig na kinumpiska ng mga pulis ay dinala na sa impounding area dito sa City Hall.
May mga iba pang natitira dito pero ito ay nakatakda na ring hakutin.
Ang mga inaresto naman sa ngayon ay nagpapa-medical na sa mga ospital at sila ay dadalhin sa headquarters ng Manila Police District.
Itong mga nagprotesta kanina ay dumulog na rin sa Supreme Court para humingi ng temporary restraining order, para ipatigil itong Executive Order 16 at 17 na nagbabawal sa mga kuliglig sa mga pangunahing lansangan ng Maynila.
Pero tumanggi ang Korte Suprema na makialam at ipinasa ito sa Manila Regional Trial Court.



Video ng mga kuliglig Dryber na nawalan ng hanap buhay

TAMA BA ANG GINAWA NG MGA PULIS??!! 

Para sa akin. Maaring tama ang ginawa ng mga pulis sa mata ng batas, pero mali ito sa mata ng publiko, pero wala naman tayong magagawa sapagkat ito ang batas. Kaya lang naman ito ginawa ng mga pulis dahil ito ang inutos sa kanila. Hindi naman sila pwedeng umayaw sapagkat wala silang karapatan dahil ang nagutos sa kanila ay may matataas na posisyon. Pero ito ang kina sisigurado ko, kung ang mga pulis na nag paalis sa kanila ay hindi nging mga pulis. Maaaring mali din itong ginawa nila para sa kanila. 

IKAW!!! ANO SA TINGIN MO??!!  TAMA BA TALAGA ANG GINAWA NG MGA PULIS??!

15 comments:

  1. ..maling mli ang ginawa ng mga pulis..
    tinangalan na nga nila ng trabaho ang mga naghahanapbuhay para sa kanilng pamilya..bagkos pa nila itong pinagbububog at hinagisa ng tear gass..
    hindi na sila naawa

    ReplyDelete
  2. pra sken mali tlga ang gnwa ng mga pulis.
    kze nde mkatwiran ang gngwa nlang pngbubugbog sa mga drayber. sna man lng naicip nla ung katayuan ng buhay nla. sna khit knti naawa cla.


    ~ Mhanelle Dimapilis
    (I used my mom's acct. C: )

    ReplyDelete
  3. Lahat ng bagay ay naidadaan sa magandang usapan...basta may bukas na komunikasyon at maayos na talastasan..
    Ginawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho, hindi nyo rin nman cla masisisi sapagkat sila'y napag-utusan lang. Ngunit dahil sa ginawa nilang iyon, maraming sikmura ang magugutom, maraming ama ang maaaring gumawa ng hindi maganda kagaya ng pagnanakaw at higit sa lahat maraming pamilya ang masisira...
    Mag-isip...Magnilay...Kumilos

    ReplyDelete
  4. mali lhat ang ginawa nila at hndi mkatarungan!!! mbuti sna kng bibigyan cla ng ibang mhahanap na trabaho!!! iresponsable ang gobyerno dun sa lugar nila!!

    ReplyDelete
  5. For me, tama lang yung ginawa ng mga pulis. Kasi if they won't exhibit toughness, mas malaking gulo pa dahil makikita ng mga protesters na kayang kaya nila, which can lead to a more uncontrollable revolution.

    ReplyDelete
  6. Para saken, Tama yung ginawa ng mga pulis kasi nakakaperwisyo sila sa ibang tao. Kahit na sabihin pa nating mahirap ang buhay ngayon at mas pinahirap pa dahil sa nawalan sila ng hanapbuhay sa araw-araw.. siguro naman matututo na silang maghanap ng trabahong di nakakaperwisyo sa ibang mamamayan. Kung kunsensya at hindi batas ang pina-iral dito siguro mas lalala ang kahihinatnan ng issue na ito.

    ReplyDelete
  7. para sakin mali ang gnawa ng mga pulis dahil maaari pa nman itong maidaan sa maayos na usapan o kaya naman bigyan nila ng konsiderasyon yung ginawa ng mga kuliglig drivers.. ginagawa lang naman nila un dahil wala silang ibang trabaho...

    ReplyDelete
  8. napkasama ng ngyari sa mga ralihista... hindi na makatao.

    ReplyDelete
  9. .. para sakin mali yung ginawa ng mga pulis dahil. kaya lang naman nag proprotesta yung mga driver kasi mahalaga sa kanila yung trabaho nila. malamang. yun lang ang ikinabubuhay nila. tas gaganunin pa sila. eh pwede naman na idaan sa maayos at mabuting paraan ang usapan. eh kung yung mga pulis kaya ang mawalan ng trabaho?. EWAN ko lang. tsk tsk!

    ReplyDelete
  10. Tama lang yung ginawa ng mga pulis. Kasi kung hindi nila haharangan yung mga nagproprotesta, pwede pang humantong sa mas malaking gulo. Tsaka mali naman kasi talaga yung mga drayber, hindi naman iba-ban ng gobyerno yung pag-gamit ng kuliglig kung hindi sila nakakaperwisyo sa komunidad.

    ReplyDelete
  11. mali yung ginawa nila.
    cguro nga tma eun sa mata ng batas,
    pero mali sa mata ng mmamayan!
    hnd nmn mkatarungan an ginwa nila e!
    mdme cla sinktan at mdri rin ang nwlan ng pangkabuhayan!

    ReplyDelete
  12. di tamah ang gnawa nlah di dpat nlah ginan ang mga taong nag hahanap buhay dapat nag usap slah ng maayos pra hindi slah nag kah skitan papana nah slah alah hanap bhay san slah kukuha ng makakain alah nmn slah nakalaan na trabaho sa mga tao

    ReplyDelete
  13. . sa totoo lang . di tama ang mga police . hindi dapat basta basta csila paalisin . dun . dapat bigyan sila ng place na pwede sila kumita ulit . or maybe nagbigay sila ng another pagkakakitaan . diba? . syempre kawawa naman yong iba dun lang umaasa sa kanilang kinikita . samantalang may pagkakamali din ang mga kuliglig drivers . dapat di sila basta basta nasugod. pwede naman idaanan sa pakiusap eh .

    ReplyDelete
  14. Hindi naman sana aabot sa ganyang point eh. Hindi sana magkakasakitan kung ang bawat panig ay handa sa isang masinsinan at tahimik na pag-uusap. Para sa akin, walang mali sa intensyon ng mga pulis na gumawa ng mga hakbang para sa ikaaayos at ikatatahimik ng lahat. Pero, hindi ko alam kung likas lamang sa ating mga Pilipino, kapag kasi "tinanggalan" tayo ng mga bagay na akala nating makabubuti sa atin ay sadyang ito'y ipaglalaban natin sa kahit anong paraan na maisip natin, kung minsan hanggang "kamatayan" pa nga. Tulad nga nito, sana ay hindi na idinaan sa dahas ang pagresolba sa problemang ito. Sana tinanggap na lamang ng mga Kuliglig drivers ng maluwag ang pasya ng mga kapulisan sapagkat, ano ba ang malay natin kung mayroon palang mas magandang programa ang ilalaan sa kanila ng lokal na pamahalaan? Para sa akin, may mga bagay na kahit gaano kahalaga sa atin ay dapat nating pakawalan, dahil sa pagkawala ng isang bagay maaaring dumating ang isang mas mabuti at mas magandang kapalit nito.

    ReplyDelete
  15. the drivers just fought on what they believe is right!!

    ReplyDelete